2

Dahil hindi ako naka-inom ng kape kaninang umaga! >:X




Mukha akong pulubi na takas sa mental at...

ANG SAaaaaKIT NG ULO KOoooo




Adik na ba ako eh isang tasa lang naman iniinom ko sa isang araw...
3

Choco Cake. XD

Naliligaw nanaman ako sa panaginip ko na 'to.
Hay.
Kailan ko ba makikita ang tamang landas.
HAHAHA.

Sa isang hall.
May stage.
Maraming taong nag-hihintay ng palabas.
Anong meron?
Super Junior.
Birthday.
Nino?
Ewan ko ba, 'di ko na maalala.
Basta.
Umakyat ako sa stage na may dalang maliit na chocolate cake.
Walang kabuhay-buhay 'yung SuJu, kaya naisipan kong gumawa ng kalokohan.
KUwari, hinihiwa ko 'yung cake.
Pero ang totoo kukuha ko ng icing at ipapahid sa mukha nila.
Ewan ko kung sino sino mga napagtripan ko, pero pumunta na rin si Shindong at si... Donghae?
Sa table para kumuha ng icing.

Pero, nakakatakot si Sungmin.
Parang konti na lang, ganito na...

Pinahiran ko kasi ng chocolate sa pisngi, eh wala pala sa mood.

Takot ko ba, pinunasan ko na lang.
HAHAHA!
Tapos...

Kaso, lalong nagalit.

Sabi ba naman sakin.
Tumabi ka nga jan!
'Di ko makita yung mga tao.


HAHAHAHA.

Harsh!


Ayun na lang ikukwento ko.
Dami p akong gustong gawin eh kasi itong computer, kung makapag-lag akala mo wala nang bukas!

Ako nga pala si Piccola. HAHAHAHAHA!

Eto naman, nung isang gabi.
Nakaka-loka pala kapag pinagsama-sama sa iisang panginip ang mga sumusunod:

YT video about living in Japan [bullet train & AKB48]
Piccolo ['yung paputok]
Pinoy Abroad [Macau]


Ganito ang nangyari...



Sa Japan na raw ako nakatira.
*nightmare!

Umaga.
Kailangan kong pumasok sa bago kong university.
May isang malaking problema...
Hindi ko alam kung saan!

Hindi naman na-explain sa'kin ni Papa kasi nagmamadali siya papuntang trabaho kaya naiwan ako mag-isa sa labas ng tinitirhan namin.

Nang...
Dumating si Haruka, 'yung anak nung kakilala ni Mama.
Edi medyo nakahinga na ako ng maluwag kasi alam kong matutulungan niya ko.
Sabi niya, sasamahan daw niya ko, sabay na daw kami.
Tinanong ko kung iisa lang ba 'yung school namin?
Sabi niya, hindi daw, high school pa lang daw siya.

Sa train station...

Napaka-tagal dumating ng train namin!
Jusme, late na late na.

Habang nag-hihintay, si Haruka may kausap.
Ako naman, tumingin tingin sa paligid.
May nakita akong banner ng AKB48.



Sabi ko sa kanila, AKB48 ba 'to?
Oo daw.
Sabi nila ang cute 'di ba?
Sabi ko , ayoko sa kanila, masyado silang slutty.


Edi, hintay hintay pa rin.

Nang biglang na-slice 'yung kamay ko!
Parang samurai 'yung naka-slice.
Hindi siya masakit pero nakakagulat.
Hindi rin dumugo.
Ang naging itsura niya parang matagal na siyang putol, kumbaga, magaling na.
Pati 'yung katabi ko, na-slice din 'yung kamay niya.
Edi lalo akong naloka.
Hawak ko 'yung kaliwang kamay ko na na-chop, HAHA.
'Yung parteng nahiwalay sa braso ko.
Tapos, basta nakakabaliw.
Naghysterical na ako deep inside, pero kalma lang sa panlabas.
Naiisip ko...
FUCK!
'Di ko na magagawa lahat ng gusto ko!
'Di na ko matatanggap sa trabaho!
Edi habang hysterical ako dun.
Pagtingin ko sa kamay ko...
Nagkaroon na ng dalawang daliri!
'Yung hinliliit tapos 'yung palasinsingan.
May sensation habang "tumutubo" 'yung bawat parte ng kamay ko.
Parang...
Masakit na ewan.
Tapos, ayun, bumalik na 'yung kamay ko sa dati.
Nung alam kong tapos na 'yung "process", hinawakan ko 'yung kamay ko na para bang ayoko na siya pakawalan.
HAHAHA.



Grabe.
HAHAHA.
Ganito kasi 'yan.
Kaya ko napanaginipan 'yan kasi...

'Yung sa Japan [train & AKB48] - dahil sa napanuod kong video sa YT.

'Yung samurai - 'yung napanuod ko nung nakaraan sa Pinoy Abroad sa Macau. 'Yung chef dun, pinangbubukas niya ng wine bottle eh, samurai. HAHA.

'Yung putol na kamay na tumubo - Lagi ko napapanood sa tv na piccolo daw ang madalas na sanhi ng mga injuries nitong bagong taon.
Tapos nung bago ako matulog iniisip ko kung bakit tinawag na piccolo 'yun eh, 'di ba sasabog 'yung kamay mo dun eh si Piccolo sa Dragon Ball Z, kapag naputol 'yung parte ng kamay niya tumutubo uli?
HAHAHA.
Naiisip ko lang.

Kaya siguro sa panaginip ko, tumubo naman siya uli kasi kuware ako sa Piccolo.
Eh, nakakatawa pa niyan, bago rin ako matulog naisip ko bakit ba napaka-common ng pangalan ko, maganda kung nagsisimula sa letter P.
Uhh~~
Peneloppe...
O kaya man...
Piccola.
HAHAHA!


Ayun, nakakaloka talaga.
At nung pag-gising ko, tinitigan ko pa 'yung kamay ko, para akong timang.
HAHAHA.
hinawakan ko 'yung kamay ko para sure lang.
HEEHEEHEE~~~


Scandaaaaaaaal! XD

Ito ang napala ko nang masyado akong na-excite nung aksidente kong mapanood ang Running Man (Korean variety show na parang Amazing race yata.) sa YouTube kagabi.
Na-excite ako kasi, kasali 'yung dalawa sa mga ultimate Kpop crush ko.
Si Choi Minho at Choi Siwon!


Dalawang video clips nga lang ang napanood ko dahil ewan ko ba, napaka-bagal ng internet connection namin.
Bawat bukas ng page kailangan i-refresh kasi ayaw mag-load.
Ganun din ba sa inyo?

So, mabalik sa usapan.

Dahil lang sa maiksing video na 'yun, siguro dahil na nga rin sobra akong natuwa.
Masyadong natatak sa utak ko.

Ang ending, sila ang napanaginipan ko.
Nakakatawa nga, hindi ako maka-get over.
Kakaiba kasi sa mga naging panaginip ko.

Ganito na nga yun...


Niyakap ko mula sa likod si Minho.
Tapos may tinanong ako sa kanya.
'Di ko lang maalala kung ano.
Basta may tinanong ako.
Sumagot naman siya.

Tapos.
Iniwan ko siya, pumasok ako sa isang Korean/Japanese Resto.
Nakita ko naman si Siwon.
Kumakain, may kasama siya, ewan ko kung sino, manager?

Sunod...

Siya naman 'tong niyakap ko.
(masyado akong mahilig mangyakap, sorry. HAHA.)
Maya-maya, habang naglalakad kami...

Ako: *super excited* Kasama ko kanina si Minho ay!


Siwon: Bading naman yun.

A: Ha?! 'Di nga????!! Gustong gusto ko pa naman 'yun!


S: Oo nga.
'Di naman kayo talo.

Tapos, bigla akong natauhan, kasi Korean siya tapos nag-uusap kami ng Tagalog.
Tapos may nalalaman pa siyang, "di kayo talo".
So, sabi ko...

A: Wait, how did you know, "di kayo talo."?

Tinitigan lang ako, kaya sinigawan ko siya ng...

A: SCANDAL!

Kasi, scandal naman talaga mangyayari nun kapag nasa Korea.
Hahaha.
Napaka-vulgar na isang idol din ang nagsabi na bading itong isang idol.
SCANDAAAAAL!

Tapos, natawa lang siya sa reaksyon ko.
May-maya may papalapit na dalawang bading.

Parang gusto tawagin si Siwon.
Pero si Minho pala ang hinahanap nila.
Tapos biglang sinabi ni Siwon, nung papa-alis na 'yung dalawa...

S: Oh.
Sila, talo.
Gusto ni Minho, mga ganuuun...



Edi lalo akong nagulat.
Sa isip-isip ko, ano bang pinagsasasabi nito parang di niya iniisip na masisira image ni Minho.
HAHAHA.



THE END!
Nakakaloka 'di ba? XD

Pasasalamat at Pagbabalik Tanaw. (drama ha...)

Mga ka-blog, Maligayang Bagong Taon sa ating lahat!
HAHAHA.



[START OF DRAMA PART]
Alam niyo bang, maliban sa pagiging buhusan ng mga matitinding saloobin, itong blog ko na ito, ginawa ko lang talaga 'to para sa mga kaibigan ko nung highschool, ANGKAN kung tawagin namin ang samahan namin. :)
Dito ako nagku-kwento ng mga chika para pagdating sa school, hindi masyadong makain 'yung oras namin sa pagku-kwento pa lang ng mga kaganapan sa buhay namin sa bahay.
Saka ako kasi, kapag mga intense na bagay, hindi ko maikuwento ng harapan dahil masyado akong sensitibong tao, kapag nagagalit ako, kapag nalulungkot ako, hindi ako makapag-salita kaya dinadaan ko sa pagsusulat.
Si Sheila, Kenneth at Erll, meron silang blog kasabay ng blog ko.
Si Mama Ridge din meron na siya medyo bago lang.

Ngayon, nitong 2012.
Hindi na kami nagkikita, dahil nga iba-iba na school namin saka busy sila, kung ako lang, hindi.
Basta, hindi magtugma mga schedule namin.

Si Sheila at Kenneth hindi na nagba-blog dito sa Blogger.
Lumipat na sila sa Tumblr, eh ako ginagamit ko lang 'yun pang-reblog ng mga kalokohan kong Kpop.
Si Erll nagpo-post pero kung ano 'yung nasa Facebook niya, 'yon din ang laman ng  blog niya.
Wala na 'yung mga dati nilang kuwento sa mga blog nila.


Isa sila sa mga rason kung bakit ko ginawa itong blog ko, pero hindi ko sila maramdaman.
Hindi na sila 'yung nakikiramay sa kalungkutan at kabaliwan ko dito.
Oo, nagtatampo ako.
Dahil pakiramdam ko, nawawala na 'yung closure namin.
Ako pa naman, kapag matagal ko nang hindi nakita ang isang tao, awkward na ako.
Mabilis akong ma-attach mabilis din akong ma-detach.
Sige, sasabihin ko na ang "MAGIC" sentence.
Nami-miss ko sila; Nami-miss ko, KAMI.


Malapit lang naman sila sa'kin physically pero, emotionally, malayo na sila.

Nakakapagtampo din na nitong 2012 na ito.
May mga plano silang ginagawa na madalas, hindi na nila ako sinasama.
Pwedeng nakalimutan nila ako nung mga oras ng pagpa-plano nila o kaya man talagang ayaw lang nila.




Pero, ngayon ayos lang naman 'yung mga ganun sa'kin.

Sa tingin ko, kailangan ko na lang din maging mas mayabong pa, dahil napansin ko sa aming magkakaibigan, parang ako lang 'yung walang SOLID friends ngayong college.
Ganun ako ka-loyal sa mga taong mahal ko, na umaabot sa point na, feeling ko, pinagpapalit ko sila kapag nagbigay ako ng space para sa ibang taong pwedeng maging parte rin ng buhay ko.
Pero, hindi lang siguro talaga ako friendly.
HAHAHA.


Hoooo!
Intense!
Sakit ng lalamunan ko.
HAHAHA.
[END OF DRAMA PART]




MARAMING SALAMAT sa inyo dahil pinaglalaanan niyo ako ng oras.

Nagaaksaya kayo ng ilang minuto para bumisita sa aking blog na maituturing ko na ring puso at utak ko dahil lahat ng saloobin at mga iniisip ko, nilalagay ko naman dito.
Sa inyong mga nagkokometo sa mga kwento ko dito na madalas naman eh, hindi naman ganoong kaimportante pa na malaman ng ibang tao.
Salamat dahil kahit papaano, nararamdaman kong hindi ako nag-iisa kapag ako'y malungkot at may napagku-kwentuhan din ako ng mga kahibangan ko.

Salamat sa inyong mga VIRTUAL FRIENDS ko, 'wag niyo muna akong iiwan mag-isa ngayong 2013 ha.


Heeheehee~~~


I'm so pathetic, 'di ba...


Maliban sa saloobin kong iyan...
Nag-iisip ako kung ano pa bang nangyari sa'kin nitong 2012.




~SCHOOL~

I
'Yung sumayaw ako mag-isa sa lobby ng school ng Gangnam Style ni Psy.

Para lang hindi ako ma-incomplete dahil hindi ako umattend ng Intrams.
HAHAHA.
Sa tingin ko hindi ko makakalimutan 'yun.
Dahil hindi ako nahiya noon, sobra lang akong kinabahan. (waht's new? HAHAHA)

Ayun lang naman ang naiisip kong pinaka-highlight ng taon ko sa school.
HAHAHA.

II
'yung nagkaroon ako ng matinding crush sa tour guide namin nung tour namin sa Manila nung August kasi may hawig sila ni Hee, na kalaunan, napag-isip isip ko na, puro kalokohan lang naman ang naiisip ko.
HAHAHA.


III
At siympre, 'yung nalaman ko na kaklase ko pala sa isang subject 'yung Prinsipe na kamukha daw ni Lee Minho.

Kaso, nung panahon na 'yun, wala na kong gusto sa kanya.
So, less thrill.
HAHAHA.
Short hair na siya ngayon, kaya dapat sigurong tigilan ko na ang pagtawag sa kanya ng "prinsipe".
Wala na dapat akong paki-alam sa gusto niya pero nakaka-disappoint.
HAHAHA.




~FRIENDS~
Hindi ako pinayagan sa 18th Birthday party ni Erll.




~FAMILY~

I
Pumunta ng Dubai kuya ko.

II
Hindi nanaman natuloy umuwi si Papa.

III
At, nadeds na si Inang, ang aking lola sa tuhod.
Nung December.
Intense din.
Pero, tanggap na tanggap ko, kasi handang handa naman na ako at sobrang tanda na rin ni Inang.




~OTHER MEMORIES~
'Yung sa dinami-dami ng convinence store sa siyudad namin, bakit kailangang dito pa sa malapit sa school namin, kami nagkita ni Jed.
'Yung childhood crush ko.
HAHAHA.
After almost 6 years, nagkita kami.
Hindi ko makakalimutan 'yun.
At ayaw ko na siyang makita forver.
Dahil nakakahiya ang inasal ko noon, wala akong nasabi, natulala lang ako.
At hindi ko pa siya nakilala nung una.
HAHAHA.





Alam kong marami pa, jusko, 'di ko na aalalahanin pa lahat at pwedeng pwede naman tayong mag-back read na lang.
Papaka-pagod pa ba ko?!



HAHAHA.
Sige, hanggang sa susunod na post!



Maya-maya din, meron na uli.
Panaginip again!



Back to Top